KASALANANG DI NAGAWA?
❤by: PLANDO, CHRISTINE(9SM)❤
➥“Dapat may pera para may hustisya!” “Siya ang may sala!” “Proven guilty!”
Iyan ang mga kadalasang naririnig ng karamihan tungkol sa pagkakulong. Marami
sa ating mamamayan ang nagdurusa sa bilangoan na walang kasalanan. Nakakulong dahil
hindi sapat ang pera upang ibayad sa abogado. Ang iba’y nakulong dahil hindi
man lang nakitaan ng sapat na ebidensya ngunit ito’y inaresto parin. Sa
katagang ito, talo ka kapag wala kang pera. Talo ka kung wala kang kapit. Ilan
sa mga Pilipino ay nakakulong dahil hindi pinaniniwalaan o kaya’y na
“frame-up”. Tinatanggalan ng karapatan na magsalita o maghanap ng katarungan.
Karamihan talaga sa kanila ay na biktima ng pagkakataon. Nakapaloob sa Saligang
Batas ang mga karapatan ng bawat Pilipino. Nakasaad dito na hindi maaaring
kitilin ang buhay, kalayaan o ari-arian ng sinumang hindi na bibigyan ng “due
process”. Ibig sabihin dapat dumaan sa tamang proseso ang sinumang nanganganib
matanggalan ng proteksyon. Kasama na diyan ang mabigyan ng pagkakataong
idepensya ang sarili. Kadalasan sa mga humuhuli, ay walang awa kang arestohin
ng walang warrant. “No your right!”. Sabi ni Aguire at paalala niya sa mga
kapwa pilipino na hindi porket sila ang batas, sila ang tama.
➥“Siya ang pumatay!” Ulat ng mga nakasaksi ngunit hindi naman sigurado.
Ang kwento at ang matinding karasan ni Rodney, isa sa mga bawat Pilipino na
nakaranasan nito. Pinagbintangan ng isang mabigat na krimeng hindi naman niya
nagawa. Si Rodney ay naakusahang pumatay ng dalawang tao, ang kanyang lalaking
amo at ang asawa nito. Walang sapat na ebidensya pero siya ang nakulong. Dahil
siya ang unang dumating sa lugar na pinangyarihan ng krimen ay siya ang
inaresto. Siya ang unang nakakita sa sugatang mag-asawa. Buhay ang mga ito ng
mga oras na iyon kaya sinubukan niyang isalba ang kanilang buhay. Sa ganitong
bagay wala siyang kalaban laban dahil ni ang mag-asawa ay patay na at walang ni
isa ang kaya siyang ipaglaban. Natapakan ang kanyang karapatan bilang isang trabahante
o kaya isang tao. Iba-iba ang epekto ng mga ganitong pangyayare sa tao. Tulad
kay Rodney nakalay man siya, ngunit hindi maibabalik ang mga nasayang na
panahon.
➥Nakulong ng walang kasalanan? Ikaw? Anong gagawin mo? Ang kasalanan na
hindi ginagawa ay resulta ng hindi pagsasapamuhay ng isang bagay na itinuturo
ng Salita ng Diyos.Marami
man sa atin ang walang alam kung paano ito maiiwasan subalit marami naman ang
tumutulong upang ang mga taong nabibiktima ng maling pag-akusa ay makalaya at
malinis ang kanilang mga pangalan. May sinasabing tayo dapat ay magsiyasat ng
mabuti sa ating kapaligiran at huwat basta-bastang kumilos ng alam natin na
wala ito sa tama. Alamin ang karapatang pang-tao. Huwag agad papasukin ug wala
man lang itong dalang warrant. Kung magiging batas, ang Department of Justice
ang mangangasiwa sa pagbabayad ng inibidwal na nakakulong pero napatuyan na wala namang kasalanan. Ibabatay
ang monetaryo compensation sa halaga na kinita ng akusado bago siya nabilango.
Sa lahat ng tao na maging saksi, sanay iwasan ang pag-sisinungalin. Dahil hindi
maibabalik ang panahon silay maakusahan at magdusa ng wala namang kasalanan.
Iniiwasan natin ang paggawa ng hindi ginagawang kasalanan at namumuhay tayo ng produktibo, ng isang mabungang buhay na nakalulugod sa ating Diyos.
(Roma 12;1-2; Juan 15;1-11)
